Sunday, January 8, 2012

iniwan, iiwanan at nang-iiwan :(

It's not you... Its me...
I am not yet ready, masyado ako nagmadali..
Sorry, you deserve better...

ilan lang ito sa mga walang pakundangang salita na binibitawan kapag hiwalayan portion na sa isang relasyon...
pero sa aking kalagayan ngayon bilang isang taong nasaktan at iniwanan ng madalas, dumarating ako sa punto na tinatanong ko ang sarili ko kung ako ba talaga ang may kasalanan kung bkit ako iniiwanan o sadyang hinayaan ng poong maykapal na ako ay masaktan at mahulog sa mga maling relasyon upang marating ang estado ko ngayon? pinaka-malalang epekto nito ay natatakot ka na magmahal ulit dahil sa mga sakit na dinanas mo?

Bilang isang tao, OO! Masakit talaga ang iwanan pero minsan kailangan itanong mo din sa sarili mo na baka masakit din sa parte ng nangiiwan na iwan ka nila, marahil kinakailangan talaga nilang gawin ang desisyong iyon kaysa sa lalo lang kayong magkasakitan na base naman sa aking sariling experience ay totoo naman! syempre tao ka, Natural na makakaramdam ka ng sakit at iiyak ka minsan nga eh galit pa na nauuwi sa sama ng loob, walang hiwalayang madali alam ng lahat ng taong nagmahal at nasaktan yan, Madalas nga sinsasabi pa natin ," Hindi ko kaya". pero sa mga taong nalagpasan ang estadong iyon, ngayon mo itanong sa kanila yung tungkol duon marahil ay tatawanan ka lang nila kapag kinamusta mo sila nung "past" nya :)

ang buhay ng tao ay isang Gulong kahit aminin natin o hindi.
lahat tao nakaranas nang Maiwanan at Mang-iwan.
pero ang mahalaga sa lahatng ito ay kung paano natin hinarap at tinayuan ang mga balakid na ito sa ating buhay pag-ibig.

Life is always a choice and you are always responsible for every choice you make :)
pag pinili mong magmahal, pinipili mo din eventually masaktan pero hindi ibig sabihin nito na parati ka masasaktan kasi kailangan ifocus mo din ang sarili  mo sa mga bagay na alam mong makakaibsan sa sakit dahil ang isang Relasyon ay pinaghihirapan, madaling kumuha ng karelasyon pero mahirap imaintain ang isang relasyon..

madaling sabihing nagmamahalan kayo iyan ang isa sa mga kamalian ng mga nagmamahal, Masyadong itinutuon ang tingin sa nararamdaman nila, ang Hindi nila alam, mandaraya ang puso at patuloy itong mandaraya, ang tanong lang Magpapadaya ka ba?....

walang tao na pipiliing mang-iwan o maiwanan pero sa realidad ito ay nagaganap.
nasa kamay mo kung anu ang gusto mong maging ending ng love story mu :)

_aeron_souplado

No comments:

Post a Comment